Pumirma kamakailan ng talent management contract ang WCOPA (Hollywood) Drama Actor Gold Medalist noong 2006 na si Rommel Luna. Nakakatuwang nagbunga na din sa wakas ang pagiging sobrang passionate sa larangan ng pag-arte ng businessman/ theatre actor at Tatay ni Anna Luna na si Rommel Luna. Sa isang post nya sa FB kamakailan , ay nalaman na ng mga maraming followers nya sa FB, na, pareho na nga sila ng manager ng anak nyang si Anna. Ani Rommel na tubong Mogpog, Marinduque, 16 years old pa lamang sya noon, kapag nagbabakasyon sa Maynila, ay nagsi-semi- regular na sya sa Comedy show nina Tito, VIC at Joey na Iskul Bukol, na nasa Channel 13 pa noon. Isa sya sa mga kaklase nina TVJ na tinaguriang Escalera Brothers, kasama sa mga hayskul students na binabato ng chalk ni Ms Tapia na ginampanan ni Ms. Mely Tagasa. Kaya pala hindi nakakapagtakang ang husay ni Anna Luna sa pag-arte sa entablado, tv at pelikula (indie man o mainstream) ay nakuha nya sa kanyang ama. Sa isang banda, napakarami nang awards ni Anna Luna sa loob at labas ng bansa.
Tunay na kapag may pangarap ang tao at hindi nya ito binibitawan,lalu nyang dini-develop sa pamamagitan ng mga training at workshops, ay hindi malabong makamit nya ang katuparan ng pangarap na ito isa si Rommel sa patotoo ng usaping ito.
“Mangarap, magplano at tuluy-tuloy na gumalaw para sa pangarap kahit lumipas man ang maraming taon. Hangga’t buhay,malakas at patuloy na bukas ang isip upang matuto ay walang imposible “- ilan ang mga ito sa madalas pangaral ni Rommel sa mga kabataang audience nya sa kanyang mga motivational talks sa mga kumpanya at mga unibersidad, Opo, si Rommel ay isa ding motivational speaker at posibleng isulong din ito ng Viva sa kanya,liban sa pag-arte. Kung sakali, siya lamang ang hina-handle ng nasabing talent agency na may ganitong kayang gawin,kung saan makikita ang talent ng aktor sa pagsasalita, pagkanta at pag-arte, pagsusulat ng script at pagdidirek ng movie scene, dahil nagtapos din ang binata ng directing class sa MOWELFUND.
Sa educational background pa lamang ng aktor ay kahanga-hanga na- nagtapos ng Masscom sa FEU, nag masteral sa La Salle at tinatapos ang doctorate sa Europe, kaya’t nakakapanabik na masubaybayan ang showbiz career ni Rommel. Nakapag establish din ang aktor ng Logistics business sa kanilang buong pamilya mula sa pagiging self-made, kaya’t nagtuturo sila online at offline ng Logistics Course, at marami na syang naisulat na mga libro na mabibili sa Amazon Kindle. Nakakatuwang idolohin ang ganitong klaseng tao lalu na ng mga kabataaan! Sa mga gustong kunin ang kanyang serbisyo sa “versatile motivational speaking” ay bisitahin po lamang ang kanyang website (www.rommelluna.com) o kaya’y makipag-ugnayan sa Viva Talents Agency. Pagpalain nawa tayong palagi ng mabuti nating Panginoon.