0
0
Subtotal: 0.00

No products in the cart.

Huwag Bumitaw Sa Mga Pangarap

Kamakailan lamang ay pumirma ng five-year exclusive contract ang single dad na si Rommel Luna sa Viva Artists Agency nina Boss Vic del Rosario. Sabi ng Life Coach/Motivational Speaker sa kanyang FB post, ay buo ang suporta ng mga Del Rosario sa acting at motivational speaking career ni Rommel. Aniya, sa Viva, if ever, ay nag-iisa siyang Motivational Speaker na pwedeng i-hire ng mga private schools at mga kumpanya upang magsalita tungkol sa Sales, Marketing, Entrepreneurship, Logistics o Life Coaching. Kakaiba din ang klase ng motivational speaking presentation ni Rommel dahil may kasama itong pag- awit ng motivational song na bagay sa topics na naka-assign sa kanya bilang speaker, at may dramatization din ng kwento tungkol sa paksa. Tunay na bukod-tanging isa lamang si Rommel Luna ang pwedeng gumawa nito dahil nga sa magaling siyang magsalita, kumanta, at umarte. Siya ang WCOPA Gold Medalist for Acting noong 2006 sa Hollywood.

Isa pang nakaka-inspire sa kwento ni Rommel ay ang hindi niya pagbitaw sa kanyang pangarap na mag-artista. Kahit batid daw niya noon pa man na hindi naman siya mukhang artista, basta ito daw ang ultimate dream niya. High school pa lamang daw ay umaarte na ang binata sa mga stage plays, kumuha ng kursong Masscom sa college at Masters in Creative Writing, dahilan pa rin sa pangarap niyang ito.

Alam nating ang kanyang napakagandang anak na si Anna Luna ay nagmana sa kanya sa passion niyang ito, at ang nagpapatunay dito ay ang maraming acting awards ni Anna sa loob at labas ng bansa. Doble ang saya ni Rommel dahil at least daw ay isang industriya lamang ang ginagalawan nilang mag-ama. Tunay na huwaran si Rommel lalo na ng kanyang pamilya. Ngayon ay namamayagpag lahat ang mga negosyo ng kanyang mga kapatid na na-mentor lahat ni Rommel. Kahapon lamang ay lumabas si Rommel sa isa sa pinakamaraming followers na show ng GMA-7, ang “Abot Kamay na Pangarap,” at napakaraming nagpaabot ng pagbati sa kanyang mahusay na pagganap.

Abangan po nating lahat ang mga proyektong ipagkakatiwala ng Viva Artists Agency kay Rommel. Dahil isa kami sa mga naniniwala hindi lang sa mabuting pagkatao ni Rommel Luna kundi maging ang kanyang husay sa pag-arte.

Contact Info

Get In Touch!

Please complete the contact information and let us know your needs. Upon receipt of your information, one of our knowledgeable representatives will reach out to you.